ANG SAYA MAGING MASAYA, LALO NA KUNG OFW KA!
Yup, I feel so happy and effervescent this month, maybe it's because July is the month we celebrate our wedding anniversary. That is why, I always want to see happy people everywhere. Although it's Ramadan, hindi naman bawal tumawa diba? +_+ So I decided to post this fun fun letter from one of millions of "OFW's" working in the USA.
For me, HAPPINESS if the Flavor of the Month. :)

Ang sulat ni Bebang
Registered nurse si Bebang
sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina
nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si
Bebang. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.
Pagdating
ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng
ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku!
Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!
Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."
Upang ayusin ang itsura ng
bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng
ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay
Bebang:
Mahal kong tatay at mga kapatid:
Pasensya na kayo
at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil
napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit
$10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga.
Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...
Nasa
likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang
spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng
de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na
inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.
Ang iba't-ibang klase ng
tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito.
Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon
stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa
first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.
Ate,
nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon
trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat
na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at
tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.
Suot
din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga
kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may
paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo
na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng
Tulume.
Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na
suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na
nagbabasketball.
Tigdadalawang ream Ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.
Apat
na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi
glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa
kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.
Isang
dosenang Wonder bra (Victoria's Secret ata ang tatak)gustong-gusto ni
Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong
inaasam-asam nyo 'yan, tiya.
Anim na lipstick lang ang kasya sa bra.
Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa
Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.
May isinisik akong
zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako
nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.
Iyong tong na
makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may
pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit
pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot suot din
ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter
kay Jay bakla sa kanto.
Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng
inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si
inay at tiyak na malalalag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng
ulo.
Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka
mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay,
kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay
nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.
Balitaan ninyo na lang
ako pagkatapos ng libing Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang
lista kung walang nawala sa mga ipindala ko.
love,
BEBANG