Unordered List

"I can be your best friend but never your worst enemy because why bother making enemies when you can ditch them off, go on with what you do best and have an amazing life..."

Tuesday, 5 August 2014

THOUGHTS: Best in Telephone Handling

Busy ako sa work dahil ang daming emails… busy din ako sa kakapaliwanag sa mga tanong ng bawat taong pipirma sa dokumento ko (hint: kung 10 ang signatory, ihanda mo na ang lalamunan mo, malamang boom malat ka na!) busy ako sa kakacirculate ng mga dokumento (kaya pag hinanap nyo ako “nasan si Rai?” wala under circulation din!)", tapos sasabay pa ang pagtunog ng telepono sa lamesa ko?!?!?! Okay fine, busy din akong isave isa isa ang mga tumatawag, baka sakali, pwede lang silang magmiscall at sasagot ang telepono ko na “the brain of the owner of this number is reformatting at this moment, please, try your call later”. Or pwede mo na ding palitan ang ring tone, para alam mo agad sino ang caller mo.



Pero sa isang banda, maganda din kung iistyle ka sa pagsagot ng telepono, maiba nman. Lalo na sa mga taong nakasakit sayo, at nakagawa sayo ng hindi kanais nais sa mata ni Lord, at sa mata ni Mang Kanor, in short sa mga taong sanhi ng pagiging brokenhearted mo. Pwedeng matauhan sila, mayanig ang kaluluwa, baka sakali, sa susunod, hindi ka na nila aabalahin at itatatak sa isip nila na ang sasagot sa linya mo ay “Sorry, the number you dial does not exist, please don't to call again, thank you.”


#mejodenial
Hello! Ikaw ba yung ex ko, kung ikaw yan, hindi ako to.

#Pumipinoyhenyo
Hello? Tao ba ito? Hindi. Bagay? Hindi. Hayop? OO!

#Koreanovelaangpeg
Hello? I cannot answer the phone anymore gaya ng hindi mo pagsagot sa nararamdaman ng puso ko before, bye… 

#LiamNeesonfromthemovieTaken
Hello? I don’t know who you are. I don’t know what you want. But I will look for you, I will find you, and I WILL KILL YOU…

#feelingmaganda
Hello? Hello? Chaka! Chaka Ka eh, chaka. Hello?? o ngayon chubby ka pa, chubby! helloooo?!?!?!

#makipotestepakipot
Hello? Ayun eh, yan tayo eh no. Ano, akala mo sya na yung para sayo kaya iniwan moko, tapos mas mahal mo pala ako, kaya gusto mong bumalik? Ayos ka din eh, bungol!
(Sabay baba ng telepono, habang cross finger “tumawag ka ulit please, tumawag ka uli…”)

#Killerinstinct
Hello? Oh ano, kumusta? Patay na ba? San mo nilibing… ang pag ibig mo para saken?

#dramaramasahapon
Hello? Sana hindi ka na lang tumawag.. sana hindi ka na lang nagparamadam… kasi okay na ako eh… huhuhuhuhu… tapos ngayon andito ka na naman… pakawalan mo na ko plis, pagod na pagod na ko, huhuhu…

#Puga
Hello? si Bogart to, ex-bf ni Rai, anjan ba xa? WALA! TULOG! UMALES! MAYSAKET! SHET!