Unordered List

"I can be your best friend but never your worst enemy because why bother making enemies when you can ditch them off, go on with what you do best and have an amazing life..."

Thursday, 5 November 2015

THOUGHTS: An Open Letter from Qatar regarding the "Tanim-Bala" Scam

"Sa aming kabayang OFW dito sa Qatar na nabiktima ng “Tanim Bala” modus sa NAIA, ramdam po namin ang stress at abala na dulot nito sa iyo. Dahil dito, nais kong gawin ang Open Letter na ito para sa ating Mahal na Pangulong Aquino."


5th November 2015
Doha, State of Qatar

Dear His Excellency President Aquino

Ang Hamad International Airport ay napapabilang sa pinakamagandang Airport sa buong mundo, dahil sa kaayusan ng system naito lalo sa seguridad. Sophisticated at high-tech and mga security equipment, kung kaya’t maituturing na self-incrimination o isang pagpapakamatay ang magpalusot ng mga element na bawal sa aliuntunin ng airport at ng batas ng Qatar.

Alam po naming mgma OFW dito sa Qatar kung gaano kahigpit ang pagpapatupad ng batas ng gobyerno ng Qatar, kung kaya’t napaktaas n gaming respeto dito at pagdidisiplina sa aming mga sarili para maiwasan na kami ay makalabag sa kanilang batas.

Paano po mangyayari na an gaming mahal na kabyan na kasama naming nagtatrabaho dito sa Qatar ay magpapalusot ng isang bala gayong alam na alam nya na kung makalusot man ito sa NAIA ay hinding hindi ito makakalusot sa Airport ng Qatar?

Kamakailan ay merong OFW galling din dito sa Qatar ang nadukutan sa loob mismo ng NAIA sa may conveyor area. Nang tingnan ang CCTV ay sira umano ang mga camera sa lokasyon na pinaghihinalaang pinangyarihan ng pandurukot.

Kami pong mga OFW dito sa Qatar ay tinatayang nasa 200,000. Marami po kaming pinagdadaanan dito sa aborad. Sinusuong ang 50 degrees Celsius na init ng araw, para kumayod, itaguyod an gaming mga mahal sa buhay, at tanggapin ang sakit ng pagkakalayo sa pamilya.

Sobra kaming excted at masaya kapag kami ay magbabakasyon dahil matapos ang mahabang panahon ay mauli naming makakasama an gaming mga mahal sa buhay. Samantala, gumuguho naman ang aming mundo kapag kami ay humahakbang na papalayo sa bahay, habang pinagmamasdan ang humahagulgol na asawa at mga anak na isinisigaw pa an gaming pangalan, bilang pagpapakiusap na wag na kaming lumisan, sa tuwing kami ay babalik na sa Qatar para muling harapin ang hamon ng buhay dito.

Tapos dadagdagan pa ng pangamba nab aka masira lamang ang aming binubuhay na pangarap nang dahil lamang sa isang bala na kahit nga sa tanang buhay naming ay di pa nakakahawak man lamang nito.

Mahal na Pangulong Aquino, Sir, para po sa amin, ang “Tanim-Bala” ay isang napakaseryoso at kritikal na isyu na dapat nyo pong sugpuin sa pinakamabilis na panahon. Maawa po kayo sa aming mga OFWs. Maraming salamat po.


Lubos na gumagalang,

On Behalf of the 200,000 OFWs in Qatar


Engr. Ressie S. Fos (Signed)
OFW

Random Pics (credits to the owner of each photo)

http://cdn2.coconutsmedia.com/styles/article_header/s3/field/image/12188239_1023941457627128_509236546849891066_o.jpg
http://i2.wp.com/www.manilatimes.net/enginex/wp-content/uploads/2015/11/031115_tanim-bala2_dilan.jpg
http://pinoyconnection.ph/wp-content/uploads/2015/11/tanim_bala.jpg

And while reading this open letter, nothing has been resolved. Everything is still the same in NAIA – scandalous, filthy and disappointing. So for the meantime, yes, we are on our own, and I believe, we will be on our own for a longer period of time.  All I ca say is secure your luggage whether they are check in or hand carry luggage. Keep an eye on them every minute, every second. Yes, we're paranoid, and yes, in our Airport. This is what we have become as the corrupt prey on the innocent nomads with freedom.

#hindikamilupaparataniman

No comments:

Post a Comment