Unordered List

"I can be your best friend but never your worst enemy because why bother making enemies when you can ditch them off, go on with what you do best and have an amazing life..."

Wednesday, 20 November 2013

THOUGHTS: Please Don't Hate, Just Help and Donate

"Maliban sa Lovelife, hanapbuhay mo lang pinuproblema mo. Pero ang nasa Visayas, hindi alam kung paano magsisimula sa buhay at kung saan hahanap ng ikabubuhay..."


Maging insensitive nman tyo pag may time. Lahat ng issue sa facebook, sa yahoo, sa CNN, sa ABSCBN pati ang paghingi ng donations ni Rhian Ramos kapalit ng fansign nya, nakiki sawsaw tayo sa usapin.
 


Hmm, bakit ba bigla akong nag emote tungkol sa Typhoon Yolanda??? May mangilan ngilan akong nabili sa amazon.com ng mga dahilan bakit nag eemote ako sa blogsite ko ngayon.
 

Una, napansin ko lang, kahit may kumakalat na campaign na iwasan muna ang magfoodporn sa magagarang restawran at pagkatapos ay bibili ng kahit yung pinakamurang kape sa starbucks para lang masabing sosyal. At ipopost sa facebook na may hashtag na #lakasulan at #kapekapepagmaytime. Hello!!!???? Okay ka lng??? Yung mga kababayan natin sa Visayas, kahit na pambili ng 3-in-1, o kaya kahit tasa na lang siguro na paglalagyan ng kape nila, hindi pa sigurado kung may mahahagilap sila sa laksa laksang kalat sa lansangan dahil sa mga winasak na kabahayn at inprastraktura, tapos ikaw kung makaselfie, wagas???? Maliban sa relief goods na patuloy na dumadating, kelangan din nila ng respeto sa kung anung kalagayan nila ngayon. Ibigay mo yun sa kanila. Pera mo nman ang pinambayad mo, ipon mo yan, sweldo mo yan. Pero wag mo na munang ipangalandakan na kumain ka sa Chili's o sa Fridays.
 
http://jpfenix.wordpress.com/2013/11/14/anti-pnoy-or-antay-pnoy/

Ikalawa, habang abala ang mga tao sa kung paano makakarating ng mabilis ang donations sa Visayas, ikaw nman, inaaway mo ang gobyerno. Sa palagay mo, may nagawa yang pambabatikos mo kay Pnoy pati ang yellow ribbon nya??? Hindi ako member ng fans club ng Yellow Team, pero sana isip isip din pag may time, yang complain mo, hindi nman yan makakatulong sa pagpapabilis ng donation. Hindi nman bawal magreklamo, pero hindi napapanahon ngayon. Mas gugustuhing magbasa ng mga tao sa kung saan pwedeng magdrop ng tulong at bank accounts kung san pwedeng magdeposito kesa basahin ang posts mong pa pampam, masabi lng na nagpost at updated sa issue ng gobyerno.

Pangatlo, iwasan nang magselfie kung ang ididisplay mo lang nman eh ang bagong bili mong Jordan Air, Iphone 5S or Ipad Air. Isa pa, busy ang mga tao sa pagsalubong ng relief goods galing sa Red Cross, Red Crescent, UN at iba ibang bansang handang maghsakripisyo para sa mga kababayan natin, para mapansin pa ang bago mong gadget. Sabi nga ni Donya Ina, kung gaano kadami ang hibla ng buhok mo, ganon din ang bilang ng taong walang interes sa bagong bili mong gamit. Dahil sa totoo lang, hindi lang ikaw ang kayang makabili nyan, madami pa. Nagkataon lang na ikaw pasikat at sila hinde.
 
http://www.davaobase.com/2013/11/yolanda-relief-operations-in-davao/
Naiinitindihan ko, affected ka din sa pagkawasak ng Tacloban at ng mga karatig lugar, ayaw mo lang ipahalata. Nakakaawa nman talaga. Pero maliban sa awa, kelangan din nila ang tulong. Isipin din natin ang nakararami. ang daming pwedeng gawin para makatulong sa mga nasalanta ng bagyong si Yolanda. pwede kang sumama sa mga grupong nangongolekta ng donations, o kaya usung uso ngayon ang ginagawa ng media na naghahanap ng mga volunteers for relief operations. Kung hindi mo peg ang jumoin sa kung saan saang mga grupo, Pwede kang magbigay ng mga damit at gamit na hindi mo na masyadong kelangan. At ang pinakamadali, sumali ka sa promo ng Globe, Smart, at suncell na sabay sabay magtetext para makalikom ng pondo para sa mga biktima ng Yolanda. Ang dami dami daming pwedeng gawin maliban sa pambabatikos sa gobyerno ng PIlipinas, sisihin si Pnoy, at magselfie sa harap ng sandamakmak na pagkain sa restawran na hindi nman nauubos. Habang ang mga kababayan natin eh umaasa lang sa liwanag ng kandila sa tabi nila dahil walng kuryente, ikaw nman, badtrip ka na dahil walang connection sa bahay nyo at hindi ka makapagpost ng tweets mo.
 
http://globalbalita.com/2013/11/10/typhoon-death-toll-could-reach-10000/
Kailangan ng mga taong ito ang positibong pananaw na manggagaling lang sa mga taong tanging inaasahan nila sa gitna ng kalamidad – at tayo yun, ikaw yun. Mahina sila ngayon, tayo lang ang kinakapitan nila. Kung tayo pa ang magpapakita ng kahinaan, at magrereklamo sa mga lider ng lipunan na tayo din nman ng nag upo sa pwesto nila, sino pa ang aasahan nila? wag natin silang bigyan ng dahilan para makaramdam ng walang pag asa. Dahil hindi ganyan ang tunay na Pilipino.
 
http://www.adobotalkph.com/2013/11/peque-gallaga-slams-pnoy-for.html
"Maswerte ka, naghihintay ka na lang kung kelan maluluto ang sinaing mo. Sila, naghihintay ng bigay para may maipanglaman sa kumakalam na sikmura…"

No comments:

Post a Comment