High School Ako - Sikat na si Vhong Navarro, pero mas sikat si Spencer Reyes ng Streetboys, Deniece Cornejo, Unknown, Cedric Lee, Hindi pa dumadaan sa kahit saang sulok ng diwa ko.
College Ako - Sikat pa din si Vhong Navarro, si Spencer hindi na maxado, Deniece Cornejo, Unknown, Cedric Lee, Hindi pa dumadaan sa kahit saang sulok ng diwa ko.
Yuppie Ako - waging wagi na si Vhong Navarro, Deniece Cornejo Unknown, Cedric Lee, Nalilink kay Vina Morales
OFW Ako - Award Winning na si Vhong Navarro, Deniece Cornejo umeextra na sa TV, Cedric Lee, hindi lang pala nalink kay Vina, nagkaroon pa sya ng chikiting.
Note: Hindi ko na sinama ang elementary days ko, Universal Motion Dancers pa kasi ang poster na nakadikit sa dingding ng kwarto ko nun...
Vhong, Deniece, Cedric.
Sa loob ng dalawang linggo, ang mga pangalan nila ang nakabalandra sa mga pahayagan, sa TV, sa social media. kahit sa text messages, basta meron kang group o clan, at masipag ka sa pagregister ng unlitext, pwede ka nang makatanggap at makapagpadala ng update tungkol sa kanila. Sa sobrang dami ng nababalita, nababasa, minsan nachichismis, sila sila na din mismong mga nagkakalat ang nagsasabing:
"There are more serious crimes and concerns to talk about in our country, not just about Vhong Navarro."
Hala?! Bangag?!?!?!? Pagkatapos nyong gawing trending ang pambubugbog kay Vhong, na halos lahat ng klase ng hashtag ginamit na, tapos sasabihin nyong wag nang pag usapan??? Saka bakit nyo nasabing mas meron pang dapat pag usapan sa lipunan kesa sa kaso ni Vhong Navarro? Concerned Citizen ang peg?!?! Sa tingin nyo ba hindi seryoso ang Extortion na sinasampa ni Vhong sa grupo nila Cedric? At bilang babae, hindi ba seryosong usapin ang panggagahasa???
Minsan kasi, tayong mga Pilipino, kapag artista na ang kilalang tao ang pinag uusapan, at naging trending, kunwari bigla tayong kakambyo at sasabihing bakit andun ang atensyon ng lahat, eh madami pa naman pwedeng pag usapan? Maypren, seryosong usapin po ang extortion, blackmailing, serious illegal detention, at serious physical injury. Hindi yan smalltime na gawain gaya ng pangungupit ng allowance nyo nung nag aaral pa kayo. Ikaw nga na makagat lang ng lamok at magkamarka sa mala sandpaper mong balat, kulang na lang ipa massacre mo ang buong angkan ng mga lamok sa probinsya nyo, yan pa kayang nangyari kay Vhong na kitang kita sa buong mundo kung ano ang sinapit nya. Kung ikaw nga na kapag gusto mo nang umuwi at makapaglaro ng DOTA at Need for Speed pero ayaw ka pang paalisin ng syota mo dahil gusto pa nya na maglabinglabing kayo naiirita ka na, iyan pa kayang kornerin ka ng 8 katao sa isang condominium na walang kalaban laban???
Tungkol naman sa diumano pinagpipilitan ni Deniece na ginahasa sya ng sikat na aktor, para sa mga babae, napakalalim na usapin po ang rape. HIndi yan simpleng paglalandi at pagdidikit lang ng balat ng tao. Nung isang gabi, nanonood ako ng The Legal Wife. Hindi naman ako fan ni Angel, ni Maja, ni Jerciho, o kahit ni Rio Locsin, nasimulan ko kasi, itutuloy ko na din. Merong isang eksena doon na "hinawakan" ni Jericho aka Adrian ang wetpax ni Angel aka Monica, syempre, nabastos si Monica, tinawag nyang "maniac" si Adrian. But in fact, someone else touched her butt and not Adrian. See what I mean? What if the allegations of Deniece are true? And what is she's just making a story?
I don't take sides dahil unang una, wala naman ako dun. Pangalawa, yung mga nababasa, nakikita, napapanood at napapanood sa paligid natin ay kulang kulang, at kadalasan nahahaluan ng opinyon ng ibang tao. Pangatlo, lakas makashowbiz ng ganitong topic, baka 24/7 na akong maghintay ng update eh hindi na ako makapgsaing sa bahay. But It doesn't mean na wala akong pakiaalam. Siguro nga dahil mga sikat na tao ang nauugnay, pero alisin natin ang bahid kasikatan. Seryoso ito.
Bilang babae, karapatan namin ang kaligtasan dahil nasa ilalim tayong lahat ng Anti Rape Law (1997). Rape is a heinous crime, at kung pipilitin kong buksan ang hippocampus ko sa natutunan ko sa Phili Law nung college, It is a criminal offense and punishable by Life imprisonment.
Pero bilang tao, we should know and understand that extortion, physical injury, and other cases filed by Vhong are severe subjects as well. HIndi basta basta reklamo. Buhay mo at buhay ng mga taong mahal mo ang nakataya. These are not just a showbiz stuffs that anyone can talk and walk away. These is a life threatening matter. And we need justice not just for Vhong but for ourselves as well...
No comments:
Post a Comment