"Sa bawat isang plastik sa mundo, may dalawang totoo na dadating sa buhay mo..."
~Halley Halaman~
Ana Joy, Ann Joy, Ana Joy...
Okay lang "bespren" (harhar!), kahit na ilang buwan lang tayong nagkasama, I know isa ka sa napaka kaunting totoong taong nakilala at nakasama ko sa SOJV. Kahit na tamad ka (totoo naman diba bespren, hahahah!) at kain ng kain (na nahawa ako sayo, laging busog lusog!), at least hindi plastik. (hoy babae, wag mong sisirain ang paniniwala kong yun!)
Wag kang mag aalala saken dahil tatandaan ko ang lagi mong sinasabi "Wag patulan ang mga taong madali lang makalimutan, tomooooh!. Pero ikaw mag iingat ka din jan, umiwas ka sa mga tao o bagay na magdadala sayo ng negative energies, dahil hindi magtatagal, ichichismis ka din nyan lolz! Sabi nga sa peysbuk "Ang taong chismosa, Inggetera".
Hanapin mo ang mga taong masarap kasama at may sense kausap, mga taong kapag nagtanong ka ng maayos makakakuha ka ng sagot na maayos. Find someone and be with someone who will help you adjust to your new sorrounding, and not those people who are always finding wrong in everything. Remember, Nagpunta ka jan para kumita hindi para mamuhay ng walang kwenta.
You are a good person, It's sad to know that I met you, knew you, and discovered the real you in a very limited time. (wag kang iiyak, kundi hahampasin kita ng Havaianas kong size 5!). I know God has a reason, para mamiss mo din daw ako hahahah! At first, I was also one of those people thinking that you are boring (hoyst sinabi ko sayo yan, impernes!), but you made me realized that you are just being true, regardless of what others are telling behind you. (wow, may napulot ako sayo, imagine that, hahaha!). Eto ka eh - "Eh ano, kung ganito ako sa paningin nila, wala naman akong panahon para isipin pa sila." Now I understand this more, "We are born to be true, and not to be perfect." (Seryoso ang peg ng paragraph nato, parang gusto kong idelete, nakakasuka lolz!)
Wish ko na magkita pa tayo uli, at hindi yun malabo alam mo yan. Pero ang mas mega super duper wish ko, sana magkajowa ka na jan, hindi ka naging successful dito, baka jan ang kapalaran mo. Kapag wala pa din, madami pang bansa na pwede mong lipatan - Syria, Iraq, Libya. Go lang ng go. But make sure na ikaw lang, at sya lang. Kapag meron ka na, wag ka nang hahanap ng iba :D Pero Wag ka ding magmamadali, para hindi ka magkamali. :)
Don't worry aalagaan ko sila Halley (pangalan ng mga halaman na pinamana mo saken, hehehe) Promise, kakausapin ko pa sila at hindi na Mineral Water ang ipandidilig ko!
O sya, mahaba na to, kabisado na kita, ayaw mong magbasa ng mahabang blog, kala mo ha, hehehe. Yngat ka, Hinuhuli jan ang eengot engot sa lansangan. :p Yung Columbiana Cafe sa tuktok ng AUH wag mong kakalimutang puntahan, madaming porenjers dun (bohahaha!)
Hanggang sa muling pagkikita, "bespren" (kowt-ankowt), hahahah!
Muah Muah Tsup Tsup!
~Raiza Mae~
Note: Ana Mae knows the true story behind all these things. In fact, she's also a victim. So I don't care if you find it offensive. This is the way we talk to each other. We don't need to explain everything to you.
xoxo
No comments:
Post a Comment