Unordered List

"I can be your best friend but never your worst enemy because why bother making enemies when you can ditch them off, go on with what you do best and have an amazing life..."

Tuesday 22 July 2014

THOUGHTS: Best Sagot kay Manong Driver sa Jeep


http://commons.wikimedia.org/wiki/File:Jeepney_overloaded.jpg
Sabi nila, kulang ang pagiging Pinoy mo kapag hindi mo naranasang sumakay ng PUJ o jeepney. Hahabulin sa gitna ng daan, pipila ng mahaba sa terminal, o kahit na sumabit at umakyat sa parilla sa ibabaw ng jeep, keri. Yan ang Pinoy, pare pareho ng gawain, ang important makasakay at makapaglakbay. Pero mas kulang kapag hindi mo naranasang sumakay ng jeepney, at mag emote habang nagbabayad kay Manong Driver. At sa bagay na yan, dyan na tayo nagkakaiba iba. Sa palagay mo, anung klaseng pasahero ka? :D

Credits to engineerisrael, astigkabay! :)

 #pasaheronimanongdriver

"MANOOOONG. BAYAD PO!"

——
#MedyoJinggoy
Manong: San galing ang 20?
Pasahero: Manong, wag niyo kong husgahan please. Ang perang yan ay hindi galing sa gobyerno.
—-
#MedyoParanoid
Manong: San yung bente?
Pasahero: Ano? Kaaabot ko lang nawala agad yung bente ko?!
—-
#MedyoMayabang
Manong: Estudyante?
Pasahero: Civil Engineer. 2005 Board Passer
——
#MedyoHarotToTheNthPower
Manong: Estudyante?
Pasahero: Opo. 2nd year high school. Hindi pa nireregla pero may anim na crush na.
—-
#MedyoDumadamoves
Manong: Ilan dito sa 20?
Pasahero: Dalawa po. Isang manhid at isang nagmamahal ng palihim.
—-
#MedyoHarotPart2
Manong: San galing?
Pasahero: Nag group study po. Tapos alam niyo ba andun din yung crush ko. Magdamag niya akong tinuruan sa math. Tapos nung nag exam kanina, 0 nakuha ko. Hihi.
—-
#MedyoDefensive
Manong: San galing?
Pasahero: Nagmotel. 3 hours kami dun. At wag kayong judgmental please. Gumawa lang kami ng loombands.
——
#MedyoNakahithitNgPentelpen
Manong: San ang baba ng bente?
Pasahero: Tung-inuhhh!! Naglalakad yung bente!!!! 
—-
#MedyoHighblood
Manong: San ang baba?
Pasahero: Sa gitna ng kalsada. Para patay ako tapos kulong kayo.
—-
#MedyoEmoH3artZ
Manong: Ilan dito sa 20?
Pasahero: Isa lang. Wag niyo na din sanang itanong kung bakit. Sanay na ako na palaging iniiwan. Kaya nasanay na rin akong mag-isa. Keep the change.
——
#MedyoTumaTumblr
Manong: Walang barya?
Pasahero: Yan tayo eh. Sobra sobra na nga ang binigay, pero parang kulang pa rin. Parang pag-ibig…

No comments:

Post a Comment