"Datapwat may nadadaramang pighati habang minamasdan ang paglayo ni Adonis lulan ng salipawpaw, pilit pa ding pinigil ni Liwayway ang paghibik at mahinahong sinagot ang hatinig sa kanyang tabi sa kabila ng kanyang panaghoy..."
Ang lalim diba. Pero alam ba ninyo na ang HATINIG sa mababaw na salitang Tagalog ay TELEPONO lamang? Habang ang SALIPAWPAW ay may relasyon sa ating trabaho - na nangangahulugang EROPLANO?
Pagaling ng pagaling at pataas ng pataas ang nalalaman natin sa salitang banyaga, pero pwede pa din nating pagyamanin ang ating kaisipan at karunungan sa ating sariling wika. Kung kaya nman nangalap ang inyong lingkod ng ilang mga lumang salita kung saan sa kasalukuyan ay bihira na nating madinig na sinasabi o ginagamit.
Tara aral muna tayo. :)
- Kuyagot - sukal, dumi
- Panimbuso - kainggitan
- Liklik - mabubusing paggawa
- Kilab - kintab, kinang, ningning
- Galapang - giniling na bigas
- Halindiog - Makasaysayan
- Nakalagak - Kung saan pwinesto o itinayo
- Agunyas - Tugtog ng kampana
- Bahaw - Paos,wala sa tono
- Malirip - Di maisip,nalilito
- Gumiba - Nawasak,Nasira,Nagkalasog
- sumungaw - Dumungaw
- taghoy - hinanakit, pighati
- pantas - may dunong,mga matatalino,may alam,malawak ang kaisipan
- laon - luma
- kagampan - kabuwanan
- hikahos – taghirap
- tason – mangkok
- sipiin – kopyahin / sulatin
- sipnayan – matematika (mathematics)
- agipayan – economics
- aligin – variable
- salipawpaw – eroplano
- hatinig – telepono
- bilnuran – aritmitik
- dagitab – elektrisidad
- salumpuwit – silya
- sulatroniko – email
- miktinig – mikropono
- durungawan – bintana
- siskin – solido, buo
- Agiw - alikabok na naipon at bahagyang namuo
- Indak – sayaw
- Liso – payak, simple
- Luray – sira
- Pagdaka – mabilisan
- Patlang – espasyo
- Patnugot – lider, nakatataas
- Peligro – panganib
- Piho – sigurado
- Pinid – sara
- Puspas – arrozcaldo
- Silaban – apuyan
- Tapete – mantel / table cloth
- Tigib – puno
- matiwasay – mapayapa
- wilig – dilig
- hibik – iyak
- yuta – daang libo (a hundred thousand)
- imbak - ipon
oxox=====xoxo
Bawal Mag Ingles
September 28, 2007
Amo: Mula ngayon, walang magsasalita ng Ingles. Ang
sinumang magpadugo ng ilong ko at sa mga anak ko, palalayasin sa
pamamahay na’to! Klaro ba?
Inday: Ang mga namutawi sa inyong mga labi ay
mataman ko pong iiimbak sa sulok ng aking balintataw, sa kaibuturan ng
aking puso, gugunamgunamin, aariing salik ng aba at payak kong
kabatiran. Tatalikudan ang matayog at palalong banyagang wika, manapay
kakalingain, bibigkasin at sakdal timyas na sasambitin ng aking
sangkalooban.
Amo: Ay ambot!
Padadaig ba tayo kay Inday? :)
Other words can be found here.
No comments:
Post a Comment