Malaking pangamba ang idinulot ng inaamyendahang Qatar law
No. 19 of 2005 (An Act Regulating the Practice of Engineering Profession) ng
Gobyerno ng Qatar. Ayon sa nasabing batas, kailangang masunod ang kinakailangang
Academic requirements na 16 na taong pag aaral kabilang dito ang baccalaureate degree para sa kursong engineering.
Lumalabas sa pagsusuri ng Supreme Education Council (SEC) na
kulang ng isang taon ang curriculum ng para sa engineering courses ng mga
eskwelahan sa PIlipinas. Bukod dito, 100 lamang mula sa 569 na eskwelahan sa
Pilipinas na may kursong engineering ang kinikilala ng SEC.
Dahil dito, humingi ng tulong ang Philippine Professional
Organization (PPO) sa embahada ng Pilipinas sa Qatar sa pamamagitan ng kanilang
pangulo na si Frank Jamandre upang solusyunan ang lumalalang problema.
Agad namang tumugon sa panawagan ng PPO si Ambassador
Crescente Relacion na humingi ng tulong sa Commission onHigher Education (CHED)
sa maynila bilang counterpart ng SEC at Philippine Regulation Commission (PRC)
bilang counterpart naman ng Ministry of Municipality and Urban Planning (MMUP).
Sa pamamagitan ng isang powerpoint presentation, kapwa
naipaliwanag ng CHED at PRC ang kanilang panig kung saan ayon kay Vice Consul
Kristine F. Bautista, Third Secretary ng Embahada ng PIlipinas sa Qatar, nagging
“receptive” aniya ang mga kinatawan ng SEC at MMUP sa ginwang presentasyon ng
CHED at PRC kaugnay sa estado ng mga engineering school sa PIlipinas maging local
man o pandaigdigang estado ng qualification standards ng mga nabanggit na
paaralan.
Kaugnay sa pagiging bukas sa pagtanggap ng qualification
standards ng mga engineering school sa PIlipinas, ayon pa kay Bautista,
humihingi rin ang SEC at MMUP ng updated list ng lahat ng mga paaralan sa
PIlipinas na nagbibigay ng nasabing kurso para magkaroon sila ng kumpletong
talaan.
Bagama’t katanggap-tanggap sa SEC at MMUP ang curriculum ng
mga engineering courses sa PIlipinas, hindi pa rin nila tanggap ang isang taong
kakulangan ng engineering degree sa PIlipinas kung academic requirement ng
Qatar ang pagbabasehan kaya lumalabas na hindi sila pumasa sa nasabing
requirement.
Upang maremedyuhan ang nasabing pagkukulang, kinakailangan
na ang isang inhinyero na nagtatrabaho sa Qatar bilang engineer ay
kinakailangang mag aral ng isang taon upang mapunuan ang nasabing pagkukulang.
Isang halimbawa nito ay ang pag aaral sa Masteral degree.
Kung sakaling hindi masunod ang requirement, hindi
makakapagpatala (register) ang isang inhinyero sa MMUP na kailangan naman para
sa pagrerenew ng RP (Residence Permit) na magreresulta naman sa kawalan niya ng
karapatang magtrabaho sa bilang engineer kung hindisiya rehistrado.
Ayon naman kay Philippine Labor Attache Leopoldo de Jesus,
mahalaga na masunod ang kinakailangang requirement ng bawat OFW na nagtatrabaho
bilang engineer sa Qatar upang mailigtas ang nasabing OFW sa posibleng
pagkawala ng kanilang trabahao.
Kaugany sa nabanggit, nakahanda aniya ang kanyang tanggapan
na magkaroon ng dialogue sa pagitan ng mga apektadong inhinyero at kanilang
kompanya upang mausnod ang itinatadahan ng batas.
“Kailangan nating bigyan ng proteksyon an gating mga
manggagawa upang mailigtas sila sa napipintong pagkawala ng kanilang trabaho.
Ganon din naman, kailangan makuha ang suporta ng kanilng kompanya upang mausnod
ang nilalaman ng nasabing batas dahil ito naman ay para sa kapakinabangan ng
magkabilang panig., hulling pahayg ni de Jesus.