Unordered List

"I can be your best friend but never your worst enemy because why bother making enemies when you can ditch them off, go on with what you do best and have an amazing life..."

Wednesday 10 September 2014

THOUGHTS: How Do I Unlove a Person?

http://a.wattpad.com/cover/16814872-256-k939722.jpg
2 hours, 20 minutes and 37 seconds ago, kausap ko lang ang ate ko sa kabilang bahagi ng Asya a.k.a Singapore. Nagsusumbong, napapaligiran daw kasi sya ng mga taong sawi, at humihingi pa ng mga ginintuang payo sa kanya. Hindi kaya sila napapaisip "tama bang manghingi ako ng advice kay Reena eh wala naman tong jowa???" Hahahah! Okay fine, binembang ko ang kapatid ko, baka iurong yung napipintong regalo samin na Smart TV :D


Extra lang kami ng isang picture para sumikat ate ko :D
Anyways, going back to the subject, How do you unlove a person? Kahit siguro magtanong ka kahit kanino, walang makakapabigay ng kasagutan na ikaw mismo, masasatisfy ka sa maririnig mo.

Iisang tabi muna natin ang wagas na pagmamahal ni Bro satin, given na yan eh, pagmamahal na galing sa Maylikha, walang makakapantay sa aspetong yan. Ang hinahanap natin, eh yung pakiramdam na may isang mortal na nagmamahal, ung may chuva chuchu (Jolina), pure love (Diane), tunay na pag ibig (Marina), yung makalaglag "pante" (Vice Ganda) may magic and fireworks (saken na to oy!). 

Pag masaya, bida ang pag Ibig, pero kapag sawi, kasalanan pa din ni Pag Ibig. Kaya madalas bumibida din si pagsisisi sa bandang huli - sana hindi mo na lang sya nakita sa MRT nung huminto sa gitna ng riles, sana hindi na lang sya tumawid nung natraffic ka sa Edsa, sana hindi ka na lang nag aral sa magandang unibersidad para hindi ka na pumasa ng board exam para hindi ka na natanggap sa magandang kumpanya para hindi na kayo nagkasabay sa elevator para hindi na kayo nagkakilala at nag usap na magsabay na lang kayo sa carlift para tipid sa pamasahe. Try mo kayang sisihin ang parents mo na sana hindi ka na lang nila pinag aral??? 

Kasalanan mo, pero humahanap pa din ng paraan para iba ang masisi, saka magtatanong sa sarili – panu ba kita makakalimutan?!?! How do I unlove you?!?!?

Ginny:"O, ako naman ang tulungan mo. Sabihin mo sa akin, how do I unlove you?
Marco: ”I don’t know. Honestly, hindi ko alam.
Kasi para sa akin, I can never unlove you, Ginny. I just love you in a different way now.”
Kitam, Kahit si Papa P confused. Hindi din alam ang gagawin. Mahirap naman kasi talaga. Pero kahit iiyak mo yan, ihiga mo yan, o iiri mo pa yang nararamdaman ng basag mong puso, kung nag eenjoy ka naman sa ginisang ampalaya, waley! Wis ang effect. Ikaw lang din ang mismo ang makakaalam paano mag move forward. Puso mo yan, dapat alam mong alagaan, at kaya mong alagaan. Hindi yan katulad ng gulong na may reserba. Kapag malala na ang kaso, ang kelangan, bypass operation na. Buti kung may pumayag na mag donate ng masayang puso kapalit ng puso mong may belong itim, swerte mo. Pero malamang, hindi pa pinapanganak ang taong papayag sa ganon, at malamang na walang ipapanganak na taong makikipag exchange gift ng puso sayo.

Walang paraan para mag unlove ng isang tao. It’s a human nature to love a person that's special to us. Tama naman si Papa P, we love people in different ways. The only thing you need to do is learn how to love the person in a certain way that you won’t get hurt in the future. Dahil sya, he already learned to love you in a way he will not hurt himself. Sa madaling salita, acceptance ang masustansyang pagkain para sa mga taong may ganitong karamdaman.

Kaya subukan mong kumalma at mag isip ng todo deep...
Kesa mag adik sa pag-asa, minsan kelangan din nating lumaklak ng realidad…

No comments:

Post a Comment