Unordered List

"I can be your best friend but never your worst enemy because why bother making enemies when you can ditch them off, go on with what you do best and have an amazing life..."

Tuesday, 30 September 2014

LEGAL ISSUE: A Must Read for Every Filipino Engineer in Qatar



Malaking pangamba ang idinulot ng inaamyendahang Qatar law No. 19 of 2005 (An Act Regulating the Practice of Engineering Profession) ng Gobyerno ng Qatar. Ayon sa nasabing batas, kailangang masunod ang kinakailangang Academic requirements na 16 na taong pag aaral kabilang dito ang baccalaureate degree para sa kursong engineering.

Lumalabas sa pagsusuri ng Supreme Education Council (SEC) na kulang ng isang taon ang curriculum ng para sa engineering courses ng mga eskwelahan sa PIlipinas. Bukod dito, 100 lamang mula sa 569 na eskwelahan sa Pilipinas na may kursong engineering ang kinikilala ng SEC.

Dahil dito, humingi ng tulong ang Philippine Professional Organization (PPO) sa embahada ng Pilipinas sa Qatar sa pamamagitan ng kanilang pangulo na si Frank Jamandre upang solusyunan ang lumalalang problema.

Agad namang tumugon sa panawagan ng PPO si Ambassador Crescente Relacion na humingi ng tulong sa Commission onHigher Education (CHED) sa maynila bilang counterpart ng SEC at Philippine Regulation Commission (PRC) bilang counterpart naman ng Ministry of Municipality and Urban Planning (MMUP).

Sa pamamagitan ng isang powerpoint presentation, kapwa naipaliwanag ng CHED at PRC ang kanilang panig kung saan ayon kay Vice Consul Kristine F. Bautista, Third Secretary ng Embahada ng PIlipinas sa Qatar, nagging “receptive” aniya ang mga kinatawan ng SEC at MMUP sa ginwang presentasyon ng CHED at PRC kaugnay sa estado ng mga engineering school sa PIlipinas maging local man o pandaigdigang estado ng qualification standards ng mga nabanggit na paaralan.

Kaugnay sa pagiging bukas sa pagtanggap ng qualification standards ng mga engineering school sa PIlipinas, ayon pa kay Bautista, humihingi rin ang SEC at MMUP ng updated list ng lahat ng mga paaralan sa PIlipinas na nagbibigay ng nasabing kurso para magkaroon sila ng kumpletong talaan.

Bagama’t katanggap-tanggap sa SEC at MMUP ang curriculum ng mga engineering courses sa PIlipinas, hindi pa rin nila tanggap ang isang taong kakulangan ng engineering degree sa PIlipinas kung academic requirement ng Qatar ang pagbabasehan kaya lumalabas na hindi sila pumasa sa nasabing requirement.

Upang maremedyuhan ang nasabing pagkukulang, kinakailangan na ang isang inhinyero na nagtatrabaho sa Qatar bilang engineer ay kinakailangang mag aral ng isang taon upang mapunuan ang nasabing pagkukulang. Isang halimbawa nito ay ang pag aaral sa Masteral degree.

Kung sakaling hindi masunod ang requirement, hindi makakapagpatala (register) ang isang inhinyero sa MMUP na kailangan naman para sa pagrerenew ng RP (Residence Permit) na magreresulta naman sa kawalan niya ng karapatang magtrabaho sa bilang engineer kung hindisiya rehistrado.

Ayon naman kay Philippine Labor Attache Leopoldo de Jesus, mahalaga na masunod ang kinakailangang requirement ng bawat OFW na nagtatrabaho bilang engineer sa Qatar upang mailigtas ang nasabing OFW sa posibleng pagkawala ng kanilang trabahao.

Kaugany sa nabanggit, nakahanda aniya ang kanyang tanggapan na magkaroon ng dialogue sa pagitan ng mga apektadong inhinyero at kanilang kompanya upang mausnod ang itinatadahan ng batas.


“Kailangan nating bigyan ng proteksyon an gating mga manggagawa upang mailigtas sila sa napipintong pagkawala ng kanilang trabaho. Ganon din naman, kailangan makuha ang suporta ng kanilng kompanya upang mausnod ang nilalaman ng nasabing batas dahil ito naman ay para sa kapakinabangan ng magkabilang panig., hulling pahayg ni de Jesus.

No comments:

Post a Comment