When I was in college, favorite day ko na ang Thursday, kasi Friday na the next day, nagkakasakit na ng mga tamaditis ang mga tao, hindi ko din magets bakit sabay sabay sumusumpong ang sakit na ito sa kanila. Kaya saken, ang Thursday, parang Friday na din =)
2005 nung napagdesisyunan kong magboard exam na. Masyado na kasing malinis ang bahay namin, everyday is general cleaning. Nahihilo na din ang mga muwebles at kasangkapan ng nanay ko. Kulang na lang, ilagay ko ang TV sa toilet. Sa madaling sabi, wala akong work. Ay meron pala, On Job Training ako sa isang family business. 8AM- 5PM yun. Pagdating sa gabi, pumapasok ako sa isang Training Center para sa Autocadd, 6PM-9PM yan. Pag uwi, kakain lang ng dinner, sumaydlayn nman ako sa plano ng isang resort sa probinsya namin. Busy pala ako nun. Pero parang nakukulangan ako. Kaya minsan mas gusto kong umabsent na lang at maglinis ng bahay. Mas challenging yata saken ang baligtarin ang buong kabahayan habang pinapalitan araw araw ang kurtina, pillow case, at mga takip ng appliances ni mudak.
Thursday din ang Novena Day ni St Jude, (ang patron ng mga nagmamakaawa sa Board Exam, heheh!). Inavail ko din ang pagdadasal sa St. Jude Church. Pinush ko yan, 9 days un straight! Bago ako pumunta sa Review Center, dadaan muna aq sa Church para magNovena. Hindi ko din kinakalimutan ang magtulos ng kandila. Iba Ibang kulay yun, iba iba din ang request na katumbas. Uso, edi makiuso.
May 12-13 2005 When I took my board exam , Thursday ang huling araw. Ganap na ganap ang paggamit ko ng MDAS sa exam. Pagkatapos, Nagbali pa ako ng 3 Monggol #2, tradisyon daw yun. Sumunod na lang ako, tradisyon daw eh. Sabi pa ng mga kasama ko sa hotel “uy Rai, wag mo munang gagamitin uli yung mga sinuot mo sa Board exam hanggat hindi pa lumalabas ang result”. Gusto ko sanang sumagot at sabihing “heller, natural! Kelangan ko pang imeet up si Mr. Clean, bago ko isuot uli tong mga to, kaloka!?” Kaso, “oo” na lang ang isinagot ko nanghina kasi ako sa Design hahahaha! Pero syempre, dapat meron kang motivation na gagamitin at walang halong kaplastikan. Importante yun eh. sa bawat bagay o hakbang na gagawin mo, mahalaga ang merong taga pushcart. Ako ang motivation ko nung time na yun, isa lang – TAMAD AKONG MAG ARAL. Truelabels yan. kaya isinaksak ko sa napakalaking bahagi ng hippocampus ko, KELANGAN MONG PUMASA NG BOARD, NOW NA! Para hindi ka na mag aral uli. Effective naman ang motivation ko. Pumasa nga ako! Yihaaa! Ganap na ganap na talagang Engineer na ako.
June 08, 2006, Thursday – Natanggap ako sa trabaho na alam kong nagtagal ako. Hindi OJT, hindi subok, hindi puchu pucho. Pero sabi magstart na ako ng June 13 para tapos na ang holiday. Tuwang tuwa nman ako, sa wakas, Makati Girl na ako! Pero ilang buwan lang…
January 18, 2007, Thursday – 1st day ko Vietnam, Pinadala ako ng company sa Hanoi Branch. Pinatapon o pinadala, pareho lang. pero ang sarap ng feeling, abroad! tunog yayamanin! :D Isang taon din ako dun. Simpleng buhay. Hindi ko nga maalala na nagpagupit ako ng buhok dun. Uso daw ang long hair, edi cge, makiuso uli. Pag uwi ko, hanggang bewang ang na achieve!
January 03, 2008, Thursday – pagbalik ko ng Makati Branch, isang bonggalore na Kempinski Palace ang nagwelcome saken, Ang laki laki ng project! Kabado na ako noon, kasi tamad ako alam ko. At hindi ko alam kung may tiwala talaga sila saken, o gusto nila akong pahirapan hahaha! Eitherway, Kempinski Palace ang masasabi kong pinakapaborito kong proyekto.
October 09, 2008, Thursday – unang araw ko sa Dubai Branch ng company nmin, wow! bagong yugto ng Buhay! Tandang tanda ko pa, enjoy na enjoy ako sa magagarang sasakyan sa Dubai. Para akong batang yagit na nakadungaw sa kotse habang naglalaway sa H2, H3, Chedeng, Beetle at BMW. At kinabukasan, byernes, nagkita kami ng ate ko, at dinala ako sa MOE, unang weekend ko, nagswimming na agad sa Ski Dubai. Kaya pagkatapos ng 3 araw, may thermometer na aq sa kilikili, nilalagnat hahahaah!
March 31, 2011, Thursday – Huling araw ko sa UAE. Kinabukasan lilipad na ako papuntang Doha. Pero this time, ibang kumpanya na ang magpaapdala saken. Tiklop tuhod pa akong nagmakaawa sa amo ko na iterminate na ako. Sinabayan ko pa ng birit ng, “please release me, let me go….” Ang tagal bago ko nabuksan ang puso nila, ang tagal ko bago ko nakuha ang matamis nilang oo. Aalis na nga lang ako, ayaw pang icancel ang visa ko. Mahal na mahala pala nila ako, ngayon ko lang narealize :D
Ngayon ko lang din naramdaman, ang significant pala ng Thursday sa life ko. luck, fate, destiny. O yun talaga ang istorya na ginawa para saken. Ang daming charaught, ganap, at tarush na nangyare. Pero hindi lang basta Throw back Thursday, dapat Think Big Thursday din. Move forward, explore and think in an avant garde way. Try to stay out of your shell, pwedeng sumubok, pwedeng magkamali. Walang masama dun. Experience. At pag nagkamali ka sa bagay na yun, tanggapin mo na lang, then move forward. Pero wag mo nang uulitin, kasi marami ka pang pwedeng gawin at mamali uli. +_+
Think Big Thursday Guys!
Happy Weekend!
No comments:
Post a Comment