Unordered List

"I can be your best friend but never your worst enemy because why bother making enemies when you can ditch them off, go on with what you do best and have an amazing life..."

Wednesday, 4 September 2013

PEOPLE: Mother = Best + Teacher + Ever!

 
Ever since I was a kid, hindi ko naexperience mapagalitan ng Mama ko, even once, kahit mapalo or mataasan ng boses. that's how our mom treated us when we were young. Kami ng ate ko, we never experienced those things, and I am really grateful for that. Her way of giving discipline is somewhat "psychological". Yung tipong ngangatngatin ng bonggang bongga ang kunsencxa mo. yung tipong "malaki ka na, alam mo na ang tama at mali." Syempre, isip to death naman kami diba. :D

But I know some people who experience different ways of receiving discipline from their mom. But nevertheless, I believe that OUR MOTHER PROVIDE THE BEST(EST) EDUCATION. Not your teacher in grade school not your instructor in secondary, and definitely not your professor during your college days. Because what we learned from them is purely acedamics and based on books. And nanay hindi. Kaya nga I sobrang gustong gusto ko ang mga sinabi ni Sir IsraelMek.

Here are the reasons why Mothers are considered the BEST teachers in the world:

My Mom is the best teacher in the world, kasi tinuruan niya ako ng:

ANATOMY:  
"Mata ang ginagamit sa paghahanap. Hindi bibig."

SANITATION: 
Anong akala mo sakin, nagtatae ng pera?!

HISTORY: 
"Noong bata ako, piso lang ang baon ko. Maswerte ka pa nga."

AGRICULTURE:
"Kada butil ng palay na kinakain mo pinagtrabahuhan yan ng tatay mo. Ubusin mo yan!"

GENEROSITY:
"Ibigay mo yan sa kapatid mo kundi malilintikan ka saken."

INDEPENDENCE:
" Kung ayaw mo sumunod, bahala ka na sa buhay mo!"

ASTRONOMY: 
"Para kang nasa buwan kung maglakad. Bilisan mo!"

RELIGION: 
"Pag hindi mo inubos ang pagkain mo, paparusahan ka ni Lord."

SARCASM:
"Ano? Bakit di ka makasagot! bakit di ka masagot?"
Tapos kapag sumagot ka, "At natututo ka ng sumagot ha?!"

MAGLAKWATSA:
"Papunta ka pa lang pabalik na ako."

ELECTRONICS:
"You’re Grounded! Hindi ka aalis ng bahay."

SELF ESTEEM:
"Ayan Dyan ka magaling!"

LOGIC: 
“Pag di mo nakita, makikita mo!”

THEORY OF EVOLUTION:
"Manang mana ka sa tatay mong unggoy!"

SPORTS: 
"Tumakbo ka na. Pag naabutan kita, malilintikan ka!"

BASEBALL:
"Ibabato ko sayo tong hawak ko!"

HYPNOTISM: 
"Makuha ka sa isang tingin!"


Salamat Sir Israel!