Espesyal
na araw na ito para saken, dahil kung si Pnoy ay nagsasagawa ng SONA tuwing ika
isandaang araw ng kanyang panunungkulan, ako nman… ako nman??? Wala. Hindi naman
ako president, pero my something in common kami today - tama kayo, ika
sangdaang araw ngayon mula nung unang araw akong nagpakalat ng epidemya ang
blogspot ko. May naging tagasubaybay, may naghihinaty ng padala sa araw araw. Meron
naman, deadma lng. pero okay alng un. Lagi kong iniisip, ang blogspot ko ay
parang newspaper, anjan lang yan, nasayo n un kung bibili ka. =)
kaya
ngayon, nais ko pong ishare sa ang aking opinion paano ba humanap ng magiging Lifetime
Partner. Nax! Parang ang expert ko, eh isang taon pa lang naman kaming “naglolokohan”
ng aking pinakamamahal na maybahay :D Pero
susubukan ko pa din kung may maitutulong ang mga sinulat ko. Ito kasi yung mga
kinonsider ko bago umoo sa harap ng altar. Parang virtual checklist.
Nais ko lang ipaalala Hindi ito opinion ng taong
matalino at eksperto, opinion lang ng isang simpleng taong kuntento na sa buhay
Pag Ibig. =)
Basa
basa na, at magkaroon ng mas Masaya at mas makulay na lovelife <3
===
Ang
Marriage daw ay nagsisimula sa “ASAWA”… pero kapag hindi na iwork out, unti
unting nalalagas ang bawat letra nito, una ay “SAWA” na nagsasawa na dahil sa walang
pagbabago, na naging “AWA” na lang ang nararamdaman sa isa’t isa, “WA” na walang
wala na tlgang natira, kumbaga simot to the bones. hanggang sa “A” na lang, na
wala na ding masabi kahit isang salita.
Ako
mismo, natural ayokong mangyari ang ganito no, kaya nagformulate ako (scientist???)
ng ilang bagay bagay para sa nalalapit na pagkukrus ng landas ng inyong Life
Time Partner. Eto na ang ABCD para sa ating lahat:
Note: Hindi ko
na isinama ang “LOVE” ditto kasi obviously, yun naman ang pinakatampok sa bawat
relationship. Kaya heto na lang ang aking “A to J Guide to a wonderful relationship."
A
= Ang Itsura ay Importante. Sinasabi ng madami, okay lang kahit hindi gwapo o
maganda, basta mabait, matalino, masipag blah blah blah… blah blah nyo mukha
nyo! Aminin man natin o hindi, kasama ang looks sa paghanap ng lifetime
partner, ung tipong pag gising mo ng umaga, magandang tanawin naman ang
mabubungaran mo. Hindi ko nman sinasabing humanap ka ng mala-artista, ang ibig
kong sabiin, sakto sa panlasa mo at sa future offsprings nyo. At higit sa lahat,
presentable sa madlang pipol at alam mong hindi mo ikakahiya.
B
= Banker. oo, tama kayo, may pera. Bawal muna ang plastic, pero sa
relationship, na siguradong lahat ay naranasan na, hindi maiiwasang talakayin
ang kahalagahan nito. Hindi ko naman sinasabi na malatipong galing sa Zobel o Ayala
clan ang piliin nyo, or rather pikutin o kidnapin. Tama na yung may sapat na
ipon para sa inyong binubuong pangarap at pamilya. Saka syempre, mababae o
malalake - hep! umamin kayo =) minsan naghihintay tayo ng regalo sa mga
espesyal na okasyon diba. Anu, tama ba ako o mali ka? :D
C
= Consistent. panong consistent??? Simple lang. Kung ano sya nung nililigawan
ka, ganon pa din sya nung naging kayo, at magiging ganoon sya habang buhay na
magkasama kayo bilang mag asawa. Walang sugar coating na magaganap. Baka sa simula, “love birds” kayo, tapos pagdaan
ng panahon, “Angry Birds” na. ampanget diba?
D
= Dream Achiever. maikli lang ang Career road na nakalaan para sa mga taong “Juan
Tamad”. Napakalaki ng difference ng dreamer lang sa dream achiever. Laging
tandaan, kaakibat ng pangarap ang aksyon. Dapat galaw galaw para hindi mastroke
:D
E
= Eager and Excited. anung kinalaman? Malaki. Hindi naman habang panahon eh iisa
lang ang routine nyo habang magkasama kayo. Hindi tayo robot, sabi nga ni “Lhots”.
Kaya dapat eager at exicted pareho sa mga magaganap na pagbabago. Changes. Kasama
yan. Although hindi lahat maganda ang changes pero dapat matuto tayong
eembrance ang mga pagbabago. Iwasang tingnan ang negative side.
F
= Fun. hello??? Obviously, kailangan ang fun sa buhay may asawa. Walang space
sa buhay diksyunaryo ang salitang boredom. At kung hindi
maiwasan maramdaman na nabobored na, dapat na umisip na ng mga bagay na pwede
kayong maglibang at matuwa, TOGETHER. Baka naman kasi humanap ka ng paglilibangan eh ikaw
lang ang masisiyahan. Remember, kabiyak mo n yan habang buhay, dapat pareho kayong masaya hanggang sa tumanda.
G
= Galing ng performance. Heheheh ayoko nang eelaborate, basta yun nay un. Baka
kung san pa mapunta to, mashutdown ang blogspot ko, wag nman @_@ we’re old enough
para magets ito, right? :D
H
= Halaga ng Balls. Porke sinabi kong balls bastos na agad? hindi ba pwedeng halaga ng paninindigan ang ibig
sabihin nyan??? Pwede nman siguro hane? Sa
lalake, ang hinahanap nming mga gurlash, eh ung may paninidigan. Ayaw na ayaw naming
ang hindi kayang magdesisyon at sunud sunuran lang. Lalo na kung Mama’s boy,
naku! Murder ka na samin. Kasi kung ganyan lang din lang, kukuha na lang aq ng
puppy, o ng lion, o ng tiger na pwede ding sumunod sa aken. Kikita pa ako sa carnival.
I
= Isama sa Listahan ang Respeto. Kahit naman siguro ibang tao ang tanungin,
isasama ang respect sa list nila. May respeto unang una sa pamilya. Kasi dyan
mo makikita kung paano sya lumaki at pinalaki ng mga tao sa paligid nya. At
Syempre may respeto sa yo at sa inyong relasyon. Kalakip din ng respeto ang
Takot sa Diyos.
J
= Just finish the recipe with Magic Sarap. Ang hirap eexplain nito. Siguro kasi
ito ang pinaka espesyal sa lahat. Siguro ito yung lahat okay na basta kasama mo
yung taong yun. Anjan na ang kilig factor, sobrang taas ng cutie points nya,
feeling bigtime ka pag kasama mo sya... Ito siguro yung kahit wala yung lahat
ng namention ko sa taas, basta may magic sarap, kumpletong kumpleto na ang lahat.
Ang hirap magpaliwanag. Pero sigurado ko, may mga taong nagbabasa nito ngayon
na relate na relate. kaya kapag meron nito, awww! winner!
At
dahil jan, salamat sa inyong time. Mejo mahaba ang SONA ko, este blog pala, pero sana okay ang naging dating sa inyo ng mesage nito.
At sana,
sa mga taong hindi pa pinapadala ni Bro ang magiging lifetime partner nyo, sana in the near future eh makakita na kayo ng iyong Damsel in Distress, or Knight in Shining Armour na
makakasama nyo for evah en evah!
No comments:
Post a Comment