Well
truth is, hindi nman emong madrama at magpapalit na ako ng anyo at maglalagay
ng itim na lipstick, itim na nail polish, at makapal na makapal na eyeliner habang nakaside ang bangs at natatakpan ang big eyes ko. I am
just upset with some people around me (read my lips: around me). Yup. They didn’t
hurt me, if you want to know, physically, mentally and emotionally. They cannot
mess up with my mind and feelings anyway.
They
actually didn’t hurt themselves either, physically. But emotionally? That I am not sure. I know
God created us and mold us in a very beautiful manner. He gave us a very unique
personality that will make us stand out. If you’re happy, flaunt it and show to
everyone what you feel. But If you have a wounded heart, then don’t hide it.
Ipakita mo kung ano yung totoong nararamdaman mo, at wag kang magtago sa likod ng kaibigan mong nagngangalang defense mechanism. And ending kasi nyan, nagiging plastic ang tao.
Iba kasi yung pinipilit na maging Masaya to hide and eventually, to forget what’s
hurting them. Iba din yung pinipilit na gumawa ng isang imaheng happy ka at
kuntento ka, kahit na kitang kita ng lahat at nararamdaman ng lahat that you are keeping some darkness inside of
you. Hindi ka makamove on, pero you are playing a role in your own stage na isa
kang strong person, but deep inside, something is dying, or rather, something
is already dead, but yet you are still keeping them dead. Pero dahil sila ang
bida sa sarili nilang palabas, dapat strong forever.
Some
people are overshadowing these things by using their own unique defense
mechanism. Bakit kaya? Dahil may hindi sila matanggap na failure sa buhay nila?
baka naman hindi nya sinubukan kaya hindi nya narating… or dahil ba sa sumubok
sya pero nagfail? Baka hindi sumubok ulit…. Or baka nman pride??? Na meron ka
nang narating, meron ka nang na achive, na you’re already an achiever, tas
biglang blag! Isang bumubulusok, walang kaabog abog at nakakayurak na pagbagsak
ang minsan eh nangyari sa life mo. Pero dahil ayaw mong malaman ng ibang tao,
eh pinilit mong gayahin si Miriam Quiambao sa eksena nya sa Miss Universe na
pagkatapos tumayo, regained her composure, walked graciously at nagbigay sa
audience ng bonggang palakpakan. Sa kaso mo, pagtayo mo mula pagbagsak, duguan
ka at halos comatose na. Kahit na parang biktima ka ng "saksak baga tulo ang dugo" Gang, pero sige pa din ang drama sa buhay.
Pero sino at ano nga ba ang naituulong ng kaibigang si Defense Mechanism? Kaibigan nga ba talaga sya? Eto:
- Hindi na mahintay na batiin sa naachieve o nakamit, ipapabroadcast na sa Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas. Antonyms? It's HUMILITY
- Hindi hinihingian ng opinion tungkol sa isang pangyayari, pero andon at sinishare ang buhay na sya ang bida. Kabaligtaran: LEAVE SOME SECRETS and MYSTERIES About yourself or you will be Nobody.
- Laging walang kasalanan at kinalaman sa mga kaganapan, dahil ikaw ay isang “kuntento at masayang nilalang” na walng kaaway at kasamaan ng loob.
- Insecure - Mahirap na kalaban ito, dahil minsan nauuwi sa inggit. Behind someone’s back, may nasasabi. It’s scary, dahil kapag HUMARAP na ang taong pinag uusapan, mas lalong mapapatunayan na pang LIKOD lang ang pwesto mo… HUwag gawing hobby ang mamback fight, pwedeng umisa o dumalawa, pero wag gawing libangan.
Anong
naidulot ng ganito? Hindi maganda diba, dahil iisipin ng mga tao “kaya pala
nya, hindi na nya kelangan ng katulong, hindi na nya kelangan ng makakasama…”
ang ending – it’s either single ka, or wala kang matinong group of friends. (no offensement po to those who are single
and patiently waiting, it’s a case to case basis) Pero tuloy pa din ang
sarili mong teleserye. Sige pa din sa pagpanggap na okay ka, kahit lahat ng parte ng ribcage mo eh
bali bali. Nagmamatigas kang ayos ka lang, kahit halatang broken hearted,
insecure, at naghahangad ng mas Masayang takbo ng buhay. Siguro may mga taong
maniniwala, or mas tamang sabihin mapapaniwala. Pero ikaw mismo? Kumbinsido ka
ba sa resulta? Hindi ba, mas
nararamdaman ang sakit kapag mag isa na lang?
There
are people who are afraid to show that they are weak or that they are afraid of
something eh hindi naman nakakatawa at lalong hindi nakakahiya kung ilalabas mo
ang kahinaan mo. Para saken, mas matapang pa nga ang ganong klaseng tao. Just
because you’re weak, doesn’t mean you’re incapable of anything. Pakiramdam mo, walang
magtitiwala sa kakayanan mo, walang magtitiwala sa pagiging ikaw.
Hindi
lang ikaw, o ako, o sila, all of us already experienced pains and sufferings. (wag kang magdedeny na hindi ka nasaktan,
dahil kahit sa pagjebs, naranasanan mo nang maghirap ka). Kahit ako naman. Sa
colloquial term, wagas. Sa gaylinggo, plangak/winner. Sa internet terminology,
ako na! Pero hindi ko yun tinago. Sa school, sa family, sa work, lalo na sa
lovelife. Kasi kailangan ko ng kausap na magpapalinaw ng kaisipan ko sa
nararamadaman kong failure. Hindi dapat sinasarili ang sakit. God gave us
everything even PAIN, and you have to share it to others no matter what. Kahit sakit
at pagkabigo, kaloob sa atin yan ni Lord, bakit kinakahiya mo? Don’t you know
that the more pain HE gave to us, the better we understand the meaning of life?
Regalo ang failure so embrace it, at matutong talikuran ang branded na defense
mechanism.
Sabi
sa kabilang kanto malapit sa amin sa Mansoura, ang PAIN sa Tagalog ay katumbas ng salitang
pinagdadaanan. Ang linaw diba, PINAGDADAANAN. Kaya daanan mo lang, pero wag mong
tatambayan. Wag maging selfish sa pagiging bigo. Dahil lahat tayo nasaktan na. Pero
choice mo na yun kung gusto mong gawing piggy bank ang sarili mo at ipunin ang
lahat ng kabiguan. Bahala ka ikaw din, kapag napuno yan, at kelangan mo nang
ilabas, wala kang ibang paraan kundi basagin ang piggy bank at ilabas lahat ng
laman. Ang ending, isa ka nang basag na porky.
Acceptance.
Yan ang kulang. Yan ang sa ngayon eh hindi pa nararanasan ng mga ganitong
klaseng tao. Na sa ngayon ang tanging defense mechanism nilang version
two-point-ow ang kasa kasama at kakampi. Sana dumating ang panahon na
makatextmate naman nila si Acceptance, at in the end, iaybol nila. baka sakali, magkaroon
ng pagbabago…
Para
sa mga taong malalapit sa puso kong binaback fight ng iba:
Ignore
those people who’s talking behind your back because that’s where they belong,
BEHIND YOUR BACK. +_+
No comments:
Post a Comment