Unordered List

"I can be your best friend but never your worst enemy because why bother making enemies when you can ditch them off, go on with what you do best and have an amazing life..."

Thursday, 15 August 2013

THOUGHTS: Everyday, OK!

Everytime we do our grocery list, 2 ang hinding hindi nawawala sa listahan naming mag asawa - Popcorn, at Yakult.

kahit meron pa kami sa fridge, hindi pwedeng hindi uli bibili (pero syempre chinicheck din namin ang exp date sa likod no!) Nung una nakita ko lang sya sa Walmart malapit sa flat namin, at ako lang ang umiinom. One time,  pinatry ko kay Pardz. Ngayon mas adik pa sya saken.

Sabi sa commercial, okay sya before kumain. Pero samin, ginagawa na naming parang tubig. Wala, masarap kasi. Mabibili sya sa Lulu 36QAR per pack 7 small bottles per pack.

Yun nga lang maliit ang bote. Minsan nakakabitin. Siguro yun ang style nila, trademark. Pero kapag iba ibang tao na ang nagexplain bakit maliit ang bote ng Yakult, eto ang sagot nila: :D

kaya subukan natin silang tanungin---

BAKIT MALIIT ANG BOTE NG YAKULT???

Medyo Tanga: Para hindi mo maisuka ang kakaunting laman pagkatapos mong marealize na uminom ka pala ng buhay na bulate.

Medyo Tamad: Dahil mahirap bitbitin ang isang drum ng yakult.

Medyo Stress na sa buhay: Kailangan pa ba talagang alamin yan? Hindi ba pwedeng lovelife ko muna?

Medyo Nagmamagaling: Kase yakult contains lacto-bacilli shirota strain. Its a strain of beneficial bacteria. Anything brought to excess is bad. Baka magka-excess tayo ng bacteria sa stomach natin kaya maliit lang ang container. Moreover, a smaller bottle is more hygienic. A larger bottle that is not finished might be kept open, thus a bigger risk of infection with other bacteria.

Medyo Badtrip: Kung bitin ka sa maliit na bote,punta ka sa factory nila, lumangoy ka doon sa tangke, kung hindi ka naman marunong lumangoy, dala ka na lang ng garden hose para meron kang straw. Tapos magpakamatay ka na.

Medyo Pa Deep: Coz big things come in small packages.

Mega Sobrang Super Ultimate Pa-Deep: Para yang relasyon, may limitasyon. Hindi mo pwedeng ibigay lahat dahil minsan kahit anong gawin mo, may mga bagay na sadyang hanggang doon na lang dahil kapag patuloy mo pang pinilit, baka dumating lang sa puntong masayang lang ang laman.

Medyo Maharot: Okay lang kung maliit o malaki. Hindi naman ako choosy. hihi.

Ikaw, anung klase kang manginginom ng Yakult? 
+_+

Special Thanks to Engr. Cris I. :)

No comments:

Post a Comment