Unordered List

"I can be your best friend but never your worst enemy because why bother making enemies when you can ditch them off, go on with what you do best and have an amazing life..."

Saturday, 10 May 2014

PEOPLE: A Mother like no Other


Eksena ng Mag-Iina:

Reena, Bonita, Happie: Mainit ang ulo at nagsusungit dahil sa iba ibang bagay at tao sa paligid..
Mama: (In a dialogue mode) anaaaakkk (mahaba yan ha) pasalamat na lang tayo at hindi kayo ang nakakaexperience ng mga hindi magagandang pangyayari. Kita mo nman, nakakapag MOA pa tayo, shopping shopping kahit puro sale, o divah, vongga?!
Reena, Bonita, Happie: Nganga! Edi si Mama ...na ang kalmado!

Reena, Bonita: nag ooverseas call sa Pinas…
Mama: Hello kids! How are you kids?? Ay hello, hello? Anak choppy, tawag kayo mamaya, you know nman si mother, andito ako kay Ate Tess nyo, mahina ang signal sa parlor nya, nagpapacolor ako ng hair, para vonggang vonga ang Ina!
Reena, Bonita: Nganga! Edi si Mama na ang kikay!

Happie: Aalis ng bahay at may lalakarin sa labas…
Mama: Ay iwan mo na saken si Beagie, Biboy at Bubut (Kids ni Happie), xempre matutulog sila ditto kasama si Mamita, at mag Jollibee kami bukas!
Happie: Nganga! Edi si Mama na ang mabait na Lola!

Bonita: Worried sa mga future projects…
Mama: Anaakkkk (mahaba yan ulit), may awa si lord, lahat yan eh matatapos. Wag mong madaliin, isa isa lang, one at a time ha, one at a time …
Bonita: Nganga! Edi si Mama na ang worriless.

Madlang Pipol: Nagtatanong sa real age ni Mama…
Mama: Ay excuse me no, I’m already 60. Mukha lng akong 50, pero may discount na ako sa Jollibee sake 5 Star Bus, hahahah!
Madlang Pipol: Nganga! Edi si Mama na ang babyface!

Reena, Bonita, Happie: Mga pasaway, pero konting pasaway lang nman hehehe…
Mama: Ay nako, malalaki na kayo, alam nyo na ang tama at mali, pinalaki ko kayo ng maayos. Nasa sa inyo yan kung paano nyo gagamitin ang mga natutunan nyo. Ako nman eh hindi nagkulang sa inyo.
Reena, Bonita, Happie: Nganga! Edi kami na ang kunsensya!

I don’t need to elaborate these things.
Everyone knows Mama – and I am proud to be her daughter. Kahit sabihin nilang Mama’s Girl kami? Keber!
It’s a unique privilege to have her, a priceless gift for us. 
Happy Mother’s Day Mama Edna Iniwan! Thank you for helping us, for guiding us, We Love you and we always will.

No comments:

Post a Comment